Lunes, Abril 3, 2017

Liham kay Pangulong Rodrigo Duterte

Mahal Naming Pangulong Rodrido R. Duterte,
Bagama't nais ninyong tuldukan ang dami ng mga taong gumagamit ng droga ay marami ditong naapektuhan. Sa pagiging uhaw ninyo para matulungan ang pamilyang pilipino ay marami ring napapatay na inosenteng tao. Noong panahon na namumuno pa si dating Pangulong Benigno Aquino III ay alam naman nating hindi niya ito natuunan ng pansinkaya ganito na lamang ito dumami. Sa pamumuno niyo ngayon ay nais ninyong itigil lahat ng mga taong sangkot sa pagbebenta ng droga. Kaya naman ang inyong ginawa ay ang "EJK" (Extra Judicial Killing), ipinatupad ninyo ito para mabawasan ang populasyon ng mga adik sa droga dito sa pilipinas. Marami na kayong napatay, napakulong, at napaamin na taong gumagamit ng droga. Noong una, ito ay hindi pinapansin ng taong bayan ngunit nung dumating ang araw na may napapatay nang mga taong inosente ay agad itong binatikos ng tao at nang pamilya ng mga namatayan. May mga Mayor, Governor, Pulis, at iba pa ang isa sa mga taong napa-amin at nalaman niyong gumagamit ng droga. May mga pagkakataon din na pati minor de edad ay napatay dahil sa maling impormasyon patungkol sa drugs. Ilang probinsya din ang mayroong umamin na gumagamit ng droga. May tinatawag din kayong Oplan Tokhang o pabahay-bahay sa ilang barangay, at paghahanap ng mga taong adik at nagbebenta ng droga. Sinasabi din ng ilang mamamayan ng pilipinas na pinapipili ka ng ilang pulis, kung katok o putok. Kung bibilangin ang mga taong napatay sa EJK at Oplan Tokhang ay libo-libo na ito sa loob ng pamumuno ninyo ng ilang buwan pa lamang. Pinag-iisipan niyo rin na ipatupad muli ang Martial Law para lalo ninyong mabantayan ang mga pilipino kahit para sa amin ay hindi na ito kailangan pa.

Lubos na gumagalang,

Dado Mabazza

Senior High Victim

Senior High School Victim
Anong track ang kinuha mo? "Stem bes." Bakit yun ang pinili mo? "Wala, gusto ko lang tsaka mahilig ako sa Science at malapit na rin ang math. " Ikaw ba mismo ang kumuha ng track mo o ang mga magulang mo? " Ako mismo, dahil gaya nang sabi ko kanina hilig ko ang science at mag-experiment ng mga chemicals tsaka pa na rin mahasa ang kaalaman ko sa science at math." Nahihirapan ka ba sa mga subjects mo? "Medyo, dahil hindi ako pamilyar sa mga subjecta ko, at dahil ibang-iba ito sa mga subjects ko noong grade 10 at dahil na rin ang hirap mag-adjust no." Anong masasabi mo tungkol sa senior high school life mo? " Sa ngayon, okay lang. Maayos ko namang "nada-digest" lahat ng pagbabago kahit hindi ito madali, maski ikaw bes hindi ka rin siguro nadadalian sa mga subjects mo diba? " Diyan naman sa school mo, ayos ba ang turo ng teacher mo? " Oo, yung iba ang hirap pakisamahan dahil nasanay sila na college ang tinuturuan, tsaka parang bata ang tingin nila sa amin, pero ganun pa man, maayos naman nilang natuturo lahat ng subjects ay consistent lahat ng teacher kaya madali at maayos namin itong naiintindihan." May naiisip ka ba na kukunin mong kurso sa college mo? Bakit iyon? " Oo, ang pagiging teacher dahil mahilig akong magturo at ibahagi ang mga nalalaman ko. Dahil noon pa lang ay pangarap ko nang magteacher. Isa ito sa mga pangarap ko, ang maramdaman ang pakiramdam ng nagtuturo at makatulong." Kung walang senior high school at makatapos ka nang high school, mag-aaral ka pa ng college? " Oo naman, kasi gustong-gusto ko talagang magteacher, paulit-ulit na tayo ah? Hahaha." May kapatid ka diba na teacher, hindi ka ba napepressure? " Naku bes kung alam mo lang kung gaano kahirap maging ako, sobrang daming expectation sakin nila mama at papa lalo na ngayon na teacher na si kuya, so kailangan ko talagang mag-aral at makatapos kung baga ay kailangan kong gayahin si kuya. " Anong gusto mong turuan? " Hindi ko pa alam, pero pinagpipilian ko ang primary at secondary education, ayoko sa college baka ikamatay ko pa kung magtuturo ako ng college." So mas preferred mo ang secondary at primary education? "Parang ganon na nga kasi kapag high school ang pinili ko okay ang estudyante kaso mga teens ang hirap basahin ng isip. Kapag elementary namn ang kukulit, basta dun sa dalawa ako magfofocus. " Sige bes salamat. " Wala yun bes. "

Award Winning Indie Film

Noong nakaraang sabado, ika-14 ng Enero, dakong alas otso ng umaga ay naganap ang pangkalahatang panonood ng "Taklub" ng mga estudyante ng CEFI. Naganap ito sa SM City Lucena, Cinema 4, at ang palabas na iyon ay isa sa mga proyekto ng batikang direktor sa paggagawa ng indie films na si Brillante Mendoza. Ang "Taklub" ay isang indie film na umani ng parangal noong nakaraang 2015. Kasama rin sa parangal ang direktor na ito na si Brillante Mendoza na nagtamo rin ng parangal sa proyekto niyang "Marosa".
         Nanalo ng parangal ang indie film na "Taklub" noong nakaraang CANNES Festival 2015.
        Hindi maiaalis ang lungkot ng mga taong nawalan ng pamilya at nawalan mg pag-asang makakamit mulu ang hinhiling na masayang buhay sa habang-buhay. Pawang iniintay ang pag-asang makikita at mahahagkang muli ang pamilyang nawala at hindi alam kung wala ba o patay na. Sa darating na taon, buwan, at araw ay hindi kayang alisin ng isang pagtulog ang mga ala alang masasakit at mga bahala na tumatakbo sa utak ng isang taong may masamang karanasan.
        Ipakita ang buhay ng mga taong nawalan ng pamilya at kung paano ito nalalampasan. Ipakalat na ang buhay ng mga taong nasalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban na hanggang ngayon ay nagdurusa at naghihirap. Bilang isang pilipino, mahirap tanggapin kung paano mo haharapin ang buhay kung wala ang pamilya mo, kung magdurusa ka ba o maghihirap.
      Sa dinami-dami ng taon na pinagsamahan ng buong pamilya ay mahirap pakawalan nang isang iglap lamang. Lahat ng karakter sa "Taklub" ay sumisimbolo sa katapangan at kakayahan ng isang pilipino na magsimula ng panibagong buhay kahit na sa isip at puso nila ay wala na ang iba nilang pamilya kagaya na lamang nila Bebeth, Renato, Larry, at Erwin. Mahirap subukin ang isang bagay na alam mong masama at hindi mo kaya.
      Mahirap ang buhay ng mga tao sa tacloban dahil hindi nila alam kung paano hihingi ng tulong na maibigay agad ng gobyerno. Sa pagpawi ng ulan ay siyang pagpawi din ng pag-asa ng mga taong nasalanta ng bagyo, sa pagpawi rin ng alaala ng isang pamilya at minamahal sa buhay.
Sa pagbabago ng buhay ay ang pagbabago rin ng pananaw at iniisip ng taong may pag-asa at kayang ihatid ang sarili sa suliranin.

      Ang pelikulang Taklub ay nagpapahiwatig na hindi lahat ng bagay at tao sa mundo ay permanente. Hindi mo aasahang nawawala ito nang biglaan at mangyayari ito ng biglaan:   Sumasalmin sa pagmamahalan at pagiging matatag ng isang tao sa loob ng suliraning tinatahak nito sa buhay. 

Critical Essay


Sanaysay
1. Ayon kay Alejandro Abadilla ano ang kahulugan ng salitang sanaysay?
     Ayon kay Alejandro G. Abadilla, nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay, ang sanaysay ay nagmula sa 2 salita, ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksiyon at iba pa ng manunulat hingil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.
2. Bakit maituturing na sanaysay ang talambuhay?
     Maituturing na sanaysay ang talambuhay dahil sa depinisyong ibinigay ni Lamberto Lumbrera na "Maaring sakupin ng kategoryang sanaysay ang alinmang akdang prosa na nagbabahagi ng impormasyon, nagpapaliwanang, umaakit na paniwalaan ang sinasabi, tumutuligsa sa mga institusyon o indibidwal, o umaaliw sa mambabasa.
3. Anu-ano ang naging tunguhin ng sanaysay sa kasaysayan ng panitikang Filipino? Paano ito naging daluyan ng ideolohiya?
     Sa pagbabalik tanaw natin sa nakaraan, maraming mga dayuhan ang sumakop sa ating bansang Pilipinas kaya naman sobrang laking kontribusyon ang naiambag ng sanay sa Panitikang Pilipino isa na nga sa tunguhin ng sanaysay ay makapagbigay impormasyon sa mambabasa at higit sa lahat ay maipahayag nating mga pilipino ang ating mga hinanakit sa mga mananakop.
4. Bakit nilikha ang sanaysay?
     Nilikha ang sanaysay upang makapaghatid at makapabahagai ng iba't ibang impormasyon na kalimitan ay nakabatay sa tunay na buhay o karanasan ng isang tao. Ito ay nilikha upang magbigay aliw, manghikayat, at maipaliwanag ng iba't ibang katuruan, kaalaman na nakapagbibigay kasagutan sa mga tanong ng tao.
5. Ano ang naging ambag ng sanaysay bilang akdang pampanitikan?
     Ang sanaysay ay makapagdudulot ng ambag bilang anyong pampanitikan at ilan na dito ay mga akdang tulad ng talambuhay at marami pang iba. Ito ay naging kasangkapan sa pagbibigay at pagtanggap ng maraming kaalaman na maaaring makapagbukas ng isipan ng maraming tao.
6. Anu-ano ang mga lumitaw na isyu ukol sa pagsasanaysay sa Pilipinas?
     Magmula na madiskubre ang blogging nagsilbi ito na sa mga pinakaimportanteng bahagi ng journalism. Sa pilipinas noong Disyembre 2009, isang photoblog ang nagsilbing pinanggalingan ng lahat ng mga pangkat pambalita pra ibalita ang isang sunog noong buwan na iyon. Pero nagmula rin sa blog ang karamihan sa mga kontobersya na kadalasang nagpapatama sa personalidad.
7. Ano ang pagkakaiba ng pormal at impormal na sanaysay?
     Ang pormal na sanaysay ay ang pagtatalakay  sa mga seryosong paksa na nangangailangan ng masuring pag-aaral at malalim na pag-unawa sa paksa.
8. Bakit madalas na sulatin ang malikhaing sanaysay?
     Madalas sulatin ang malikhaing sanaysay sapagkat isa itong paraan upang maisagawa ang bawat damdamin na nakapaloob sa puso ng manunulat. At maaari itong makapagbigay ng kasiyahan sa mga mambabasa.
9. Anu-ano ang mga katangian ng malikhaing sanaysay?
     Ito ay isang malayang paglipad ng bawat pag-iisip upang makabuo ng isang kwento o akda na nagsasalaysay ng totoong mga impormasyon at hindi kathang-isip lamang. Ang ilan sa mga katangiang taglay nito ay ang pag-uugat sa realidad o tunay na buhay na gagawing paksa, pagkakaroon ng malinaw na subjek, malinaw na mga detalye at pananaliksik o pag-oorganisa tungkol sa napiling tema o paksa.
10. Bakit itinuturing na malikhaing sanaysay ang BLOG/BLOGGING?
     Itinuturing na malikhaing sanaysay ang blog/blogging sapagkat ito ay naging daan at nagailbing daan upang masabi ng manunulat  ang kaniyang mga karanasan at nararamdaman tungkol sa kung anu-anong bagay na hindi niya kayang sabihin ng direkta. Ito ang mistulang talaarawan para sa iba na siyang lagi nilang kinakausap at pinaglalagyan ng mga hindi malilimutang pangyayari sa buhay nila.




Mag-HUMSS Ka!

Mag- HUMSS ka!
Kahit na ang strand na HUMSS (Humanities and Social Sciences) worth it naman lahat, pagrereport, pagsususlat ng tula, at iba pa na kapupulutan mo ng napakaraming aral. Pati ang mga lessons ay talagang kamangha-mangha.
Ang HUMSS o Humanities and Social Sciences ay isa sa mga strand na pagpipilian ng mga estudyante na tutungtong ng grade 11. Ito ay naglalaman ng iba't-ibang course na maaari mong kunin sa iyong kolehiyo.
Nariyan ang Law, Education, Architecture, Police, Psychology at iba pang kurso na pumapatungkol sa social sciences. Tutulungan ka rin ng humss na matukoy ang iyong tunay na kursong kukunin mo sa iyong kolehiyo.
Ang mga subjects na pinag-aaralan sa humss ay halos tumutukoy sa komunikasyon at pagsususlat. Kagaya ng Oral Communication na gumagabay saiyo kung paano ang dapat na gawin kapag ikaw ay nakikipag-usap sa tao. Andiyan rin ang Creative Writing, Creative Non-Fiction, Qulitative Research, Contemporary Arts, Reading and Writing, Discipline and Ideas in Social Sciences, At iba pa.
Kung sa facilities na ginagamit ng mga humss ay talagang maayos at kapaki-pakinabang. Ang mga libro ay parang libro ng college at ang mga computer ay updated.
Isa rin sa mga subjects Creative Writing at Creative Non-Fiction (CNF). Ang creative writing ay gabay sa paggawa ng tamamg tula, sa script at ang masining na pagsususlat. Samantala, ang CNF ay ang matotohanang pagsusulat.
Nakakapagod man ay hindi mo naman ito pagsisisihan dahil pinupukaw nito ang iyong kapasidad sa pagsasalita ng wasto at tama sa harap ng maraming tao, dahil nga sa mga report na ginagawa ninyo. Ang strand na HUMSS ay kamangha mangha dahil kahit na hindi mo gusto ang ibang pinapagawa ng teacher mo ay nagugustuhan mo ito dahil nga ito ay kakaiba.
Ang humss ay hindi gumagamit ng Scince Laboratory dahil hindi naman bahagi ng HUMSS ang pagdodoctor, iyon ay nakapaloob sa strand na STEM(Science in Technology, Engineering and Mathematics). Ngunit gumagamit ng GYM, computer laboratory, at library ang HUMSS. GYM para sa P. E at Comlab para sa ICT/APT1.
Kung magteteacher ka ay bagay sayo ang humss dahil ito ay nag-aaral ng tamang pakikipag-usap at hinuhubog ang iyong pagsasalita sa harao ng tao.

Para sa iyo ang HUMSS kung gusto mong magteacher dahil para sa iyo ito. 

Who am I?

Life with Others
Lumaki ako sa bahay namin na nasa mapayapang lugar ng Brgy. Dalahican, Lucena city. Mga kasama ko ay ang aking pamilya. Ang mahirap mawala para kay papa ay ang magkasakit kaming mga anak niya dahil para sa kanya kalusugan ang dapat na mas mahalaga.
Sa ngayon, ako ay nag-aaral sa Calayan Educational Foundation Inc. Mula Grade 1-10 ako ay nag-aral sa isang pampublikong paaralan. Hindi ako active sa mga event sa school kaya average level lang ako.
Sa uulitin, ang talent ko ay ang pagkanta at pagsayaw. Ang status ko sa ngayon ay single dahil hindi pa ako handang magmahal. Kasalukuyan akong nakatira sa Brgy. Dalahican, Lucena City.
Kaming pamilya ay nabubuhay ng matiwasay at maayos, kahit na may problema agad naman itong naaayos ng mapayapa. Hindi naman gayon kagandahan ang aming tirahan pero punong-puno naman ito ng kasiyahan at mga alaala.
Sa school na pinapasukan ko ay hindi ako sikat, pero marami naman akong kaibigan at kakilala na nakakakilala rin sa akin. Simple lang akong estudyante noon at walang kaaway. Kilala rin ako ng ibang teacher doon ngunit isa lang ang naging kaibigan kong teacher iyo ay si Maam Porto. Teacher ko siya noong grade 9 ako at hanggang ngayon ay kaibigan ko pa din siya. Palagi niya akong sinasama sa event sa bahay nila kagaya ng birthday, kasal, binyag at pasko. Marami kaming kaibigan ni Maam Porto.
Ang pinakamatalik kong kaibigan ay si Marinhlle F. Guerrero. Magkaibigan kami simula pa noong kinder pa kami hanggang ngayon.  Hindi man kami nagkaka-usap araw-araw, nananatili pa din ang koneksyon namin sa isa't-isa.
Ang kaaway ko mula pa noon ay si Dawner Gem Pedernal. Kaya kami nag-away dahil sa kanyang tatay, pinaguntog kasi kami ng tatay niya na ikinagalit ng nanay ko. Sa ngayon, ay maayos na ang pakikitungo ng tatay niya pero kami magkaaway parin.
Ang kinahihiligan kong gawin ay ang kumanta dahil kapag ginagawa ko iyon ay mawawala ang stress ko pero ang kumain talaga ang gustong gusto ko. Kahit na kain ako ng kain ay moderate lagi ang ginagawa ko para hindi masobrahan.
Ang kahuli-hulihan kong napuntahan na party ay noong christmas party namin ng daguio. Masaya kami at walang ibang iniisip kundi ang magwala sa saya. Hindi namin iniisip ang mga assignments, thesis at iba pang gawain sa school noong araw na iyon. Ang gusto lang namin ay magsaya.
Ako ay isang mamamayan ng Lucena City na curious sa lahat ng nangyayari sa lugar namin. Alam ko ang dapat kong malaman sa politika. Hindi na ako makikialam sa politika dahil ikamamatay ko lang iyon. Mas maayos nang mayroon kang alam na hindi nangangailam kaysa sa wala na nangangailam sa politika.


Home Life
Ako ay naninirahan sa Barangay ng Dalahican, Lucena City. Kami ay naninirahan doon halos 20 years na. Katulad ng karaniwang bahay, ang bahay namin ay may kuwarto, kusina, banyo, salas, at bubong.
Ang mga kapitbahay namin ay napakachismosa, lahat nalang ng bagong lipat sa lugar namin ay kanilang pinag-uusapan. Kahit na napakaliit na isyu ay kanilang pinapalaki. Trabaho na yata nila ang mangbwisit sa amin.
Habang sila mama ay nag-iinom sa bahay namin ay may oumuntang tomboy sa loob ng bahay namin. Nakita iyon ng mga kapit-bahay namin. Kinaumagahan ay agad kumalat ang balita na katipan daw ni mama iyon. Ngunit hindi iyon totoo. Bahala na sila sa buhay nila.
Ang kinikita ni mama sa pagtatrabaho sa loob ng isang buwan ay 4,000 pesos. Si papa naman ay 8,000 pesos. At ang kapatid kong isa ay 7,000 pesos. Sa kabuuan ang natatangap naming pera sa loob ng isang buwan ay 19,000.
Ang bahay na tinitirahan namin ay amin na, pero ito ay amin pang binabayaran. Ang bayad kada year ay 1,000 pesos. Ang bahay na iyon ay babayaran namin ng 25 years.
Ang mga kapatid ko ay may pagkatamad kaya ang itsura ng bahay namin ay madumi. Kapag sabado at linggo ay ako ang naglalaba, nagdadayag, at naglilinis ng bahay namin. Kapag lunes hanggang biyernes ay madumi ang bahay namin, pagdating naman ng sabado t linggo ay malinis ito.
Ang pinakamemorable na pangyayari na naganap sa kwarto ko ay nung nagsuot kami ng bestfriend ko na si marinhelle ng cocktail dress ng kapatid ko. Habang nagkakasiyahan kaming dalawa ay biglang pumasok ng kwarto ang ate ko. Kaya nakita niya kaming suot-suotyung dress niya. Ang akala ko ay magagalit siya pero tinawanan niya lang kami.
Ang pinakaayaw ko naman na nangyari sa kuwarto ko ay nung panahon na may sakit ang pamangkin ko. Sobrang init niya pero hinayaan lang ng kapatid ko ang anak niya. Maya maya ay tmumirik ang mata nito at doon ay nawalan ito ng malay. Agad dinala ni ate yung anak niya sa tricycle papuntang hospital. Salamat sa Diyos at naligtas naman ang pamangkin ko.
Ang pinakanakakalungkot na nangyari sa bahay namin noong nag-away si mama at papa. Nakakatakot silang panoorin dahil nagsasakitan silang dalawa, maigi nalang at naitago namin yung mga kutsilyo kung nagkataon parehas silang nasa hospital. Noong gabing iyon ay punong puno ng kalungkutan ang bahay namin, mabibingi ka sa hagulgol ng iyak ng lahat ng nandoon sa bahay namin. Sa gabing iyon naganao ang hindi nila inaashan, yun ay ang maghiwalay.
Sa ngayon, kami ng mga kapatid ko ang nakatira lamang sa bahay na iyon. Si mama ay nakatira sa bahay ng tita ko sa manila. Si papa naman ay nasa Sta. Cruz, Laguna kasama ang bago niyang kasinthan. Hanggang ngayon naman ay sinusuportahan pa kami nila mama at papa.

Physical Aspect
Ako ay may gulang na 17, at ang kaarawan ko ay November 9,1999. Ako ay isang kabataang pinoy na may taas na 5.3 talampakan at may timbang na 52 kilo. Ang aking paboritong sport ay ang paglalangoy at ang hindi ko naman na vustong sport ay ang pagbabasketball.
Noong ako ay bata pa ay naranasan kong mainjury sa braso, dahil iyon sa kalaro ko na tinulak ako sa hagdanan. Ang nagpapahina sa aking katawan ay ang pag-iisip ng kung anu-anong bagay at ang mga nakakapagod na gawain. Pati na rin ang mabugbog ng taong kaaway ko.
Ang asset ko sa sarili ko ay ang aking mata, dahil sa aming magkakapatid ako lang ang mayroong mahabang pilik at bilugang mata. Pero sabi ng mga kaibigan ko ang aking asset daw ay ang aking ilong dahil ito daw ay matangos. Para kay mama naman ang asset ko daw ay ang aking kamay dahil ito daw ay ang liliit at tuwid.
Noong ako ay grade 10,vkami ng mga kaibigan ko ay nagkayayaan na uminom ng alak. Mahigit 5 oras kaming nag-iinom hanggang sa nagkayayaan na kaming umuwi. At noong araw na iyom ay ang unang beses kong malasing at uminom ng alak.
Ang aking kalusugan ay nasa maayos na level naman. Mahalaga sa akin ang maayos na kalusugan dahil ito ay napakahalaga. Nag-eexcercise naman ako at kumakain ng tama kaya maayos ang kalusugan ko.
Ang pinakapangit na parte sa aking katawan ay ang aking mukha dahil puro ito pimples at puro marka ng pimples. Para naman sa iba ang pangit daw sa akin ay ang aking panga, hindi daw kita. Para naman kay mama ang pangit daw sa akin ay ang aking paa, masyado daw maliit.
Sabi ni mama kami daw ay may ugaling baliw, dahil yung nanay niya dati ay nabaliw hanggang sa namatay ito. Pero sa henerasyon daw namin ngayon ay tapos na ang ugaling iyon.
Wala naman akong depirensya sa katawan dahil normal naman akong pinanganak. Pero noong ako ay bata pa palagi nalang akong nilalagnat. Na-overcome ko naman iyon dahil pinagamot ako ni mama sa hospital.
Pagdating naman sa sports ako ay hindi active dahil ito ay nakakapagod. Kung i-dedescribe ko ang sport base sakin ito ay nakakapagod a  nakakastress, maaari ka pang mainjury.
Ang kadalasang nababanggit sakin ng ibang tao sa pisikal kong katangian ay ako daw at tumaba na. Bukod dun ako daw ay umitim at pumangit.

Inner Life
Ang aking IQ ay may pagkaiba dahil iba ako mag-isip ng bagay bagay. Ang aking imahinasyon naman ay malawak at malalim, may pagkamalala dahil kung anu-ano ang naiimagine ko. Kahit ano ay naiimagine ko nang iba.
Pagdating naman sa common sense at sound judgement ay agad ko naman itong niintindihan. Namana ko ito sa nanay ko dahil alam niya kung totoo o hindi amg sinasabi ko.
Gusto kong maging successful sa buhay. Gusto kong magkaroon ng magandang buhay para sa sarili at magulang ko. Marami akong mangyari sa future ko.
Sa mga kaibigan ko parehas lang akong dominant at submissive. Ayaw kong maging boss sa mga kaibigan ko dahil hindi ako konportable kapag nagpifeeling bossing ako. Ayaw ko ding maging sunod sunuran ng mga kaibigan ko dahil nakakababa ng tingin sa sarili.
Noong grade 10 ako puro bagsak ang grades ko, hindi ko alam kung paano ko magagawan ng paraan para maipasa iyon. Inisip ko nalang na maipapasa ko iyon. Kaya nang magawa ko yung goal ko na maipasa iyon naisip ko na kailangan pala chill/easy ka lang kapag may problema ka.
Para sa akin ang paghawak ko sa problema ko ay tama lang, iniisip ko kung paano ito magagawan ng paraan. Parang nung si mama ay nabarangay dahil sa utang niya, sobrang laking problema nun sa aming pamilya. Pero sa halip na mawalan ng pag-asa na maibalik ang mapayapa naming buhay, nagpursige kami na mabayaran ang utang ni mama. At hindi nagtagak ay nabayaran na namin ang utang na iyon. Laking pasasalamat ko sa Diyos na nalampasan namin ang problemang iyon.
Ang pinakapinagmamalaki kong talent ay ang pagsasayaw dahil noong bata pa lamang ako ay mahilig na akong gawin iyon. Marunong din akong kumanta ngunit hindi gaano kagaling.
Sa lahat ng kinatatakutan ko ay ang mawalan ng pananalig sa Diyos dahil sa lahat ng kailangan ko ay siya lang ang nag-iisa. Hindi naman ako ganoon kagaling sa lahat. Ang kinatatakutan ko pa ay ang mawala ako ng maaga. Marami pa akong pangarap sa buhay.
Ang hinding hindi ko gagawin ay ang iwan ang mama ko, huwag mag adik, hindi makatapos sa pag-aaral. Lahat iyan ay mahalaga sa akin at hinding hindi ko aalisin sa buhay ko.

Ang pananalig ko sa Diyos ngayon ay medyo  lumalaho na. Gusto ko talagang hindi mawala ang Diyos sa buhay ko dahil kailangan ko siya habang buhay. 

Photo Essay

“Keep love in your heart. A life without it is like a sunless garden when the flowers are dead.”
 -Oscar Wilde
“Deep in their roots, all flowers keep the light.
-Theodore Roethke
“The cloning of humans is on most of the lists of things to worry about from Science, along with behaviour control, genetic engineering, transplanted heads, computer poetry and the unrestrained growth of plastic flowers.”
-Lewis Thomas
“Flowers are an easy, eloquent expression of love at a time when words can seem clumsy and inadequate.”
-Lynn Coady
If your heart is a volcano, how shall you expect flowers to bloom?
-Khalil Gibran
I am going to try to pay attention to the spring. I am going to look around at all the flowers, and look up at the hectic trees. I am going to close my eyes and listen.
 - Anne Lamot
Stretching his hand up to reach the stars, too often man forgets the flowers at his feet.
-Jeremy Bentham
Flowers are the sweetest things God ever made and forgot to put a soul into.
Henry Ward Beecher

The advice I am giving always to all my students is above all to study the music profoundly... music is like the ocean, and the instruments are little or bigger islands, very beautiful for the flowers and trees.
Andres Segovia

From the very fountain of enchantment there arises a taste of bitterness to spread anguish amongst the flowers.
-Lucretius

Image result for flowers in ph