Noong December 10, 2016 ay nagpunta ang mga estudyante ng Calayan Educational Foundation Inc. sa Pacific Mall para sa gaganapin na "Arts For Human Rights". Masama ang panahon noong umaga pero gumanda naman ito nung hapon.
Ilang estudyante ang naghihintay sa may gilid ng Pacific Mall, inaabangan ang teacher na si sir Alvin Ursua. Ngunit sabi ng isa sa kanila ay nasa likod daw ang kanilang teacher. Doon ay nakita nila ang isang malakiong tent na may nakasulat na "Dondon Alcala" sa trapal na nagsisilbing bubong nito. Dinala nila ang mga bangko papasok sa loob ng Pacific Mall.
Inabot na ng tanghali ang mga tao, kaya hinayaan na muna ng mga organizer na kumain muna ng tanghalian ang mga estudyante, at pinababalik ng saktong ala una ng hapon upang muling ipagpatuloy ang programa.
Isa sa mga kasama ng mga member na nagtatag ng Arts for Human Rights ay sinabing "Ano nalang gagawin niyo sa buhay mga kabataan?Palagi nalang ba kayong gagamit ng mga putang social media na iyan? Hindi! Kung gagamit ka ng social media dapat yung makatotohanan! Yung malaman!" sabi nito.
Pinanuod ang mga estudyante ng HUMSS ng isang film tungkol sa babaeng barbero, ang ilan naman sa mga organizer ay abala sa isang gilid na gumagawa ng painting sa isang mahabang telang puti, kinukulayan nila ito ng kulay pulang pintura, ng matapos na ang pinapanuod na film ay hindi pa din sila tapos sa pagpinta pero may nabubuo na ditong mga larawan ng ating Pangulong Duterte na nakahalik sa pisngi ng dating Pangulong Marcos .
Nung kinagabihan ay nagsindi ng ilaw ang mga estudyanteng sumama sa protesta. Doon ay naglakad sila palabas ng gusali ay naglakad papuntang kalsada.
Ang iba ay umalis na at hindi na tinapos ang programa ngunit may iba pa rin na nanatiling tinapos ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento