Noong nakaraang sabado, ika-14 ng Enero, dakong alas otso ng umaga ay naganap ang pangkalahatang panonood ng "Taklub" ng mga estudyante ng CEFI. Naganap ito sa SM City Lucena, Cinema 4, at ang palabas na iyon ay isa sa mga proyekto ng batikang direktor sa paggagawa ng indie films na si Brillante Mendoza. Ang "Taklub" ay isang indie film na umani ng parangal noong nakaraang 2015. Kasama rin sa parangal ang direktor na ito na si Brillante Mendoza na nagtamo rin ng parangal sa proyekto niyang "Marosa".
Nanalo ng parangal ang indie film na "Taklub" noong nakaraang CANNES Festival 2015.
Hindi maiaalis ang lungkot ng mga taong nawalan ng pamilya at nawalan mg pag-asang makakamit mulu ang hinhiling na masayang buhay sa habang-buhay. Pawang iniintay ang pag-asang makikita at mahahagkang muli ang pamilyang nawala at hindi alam kung wala ba o patay na. Sa darating na taon, buwan, at araw ay hindi kayang alisin ng isang pagtulog ang mga ala alang masasakit at mga bahala na tumatakbo sa utak ng isang taong may masamang karanasan.
Ipakita ang buhay ng mga taong nawalan ng pamilya at kung paano ito nalalampasan. Ipakalat na ang buhay ng mga taong nasalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban na hanggang ngayon ay nagdurusa at naghihirap. Bilang isang pilipino, mahirap tanggapin kung paano mo haharapin ang buhay kung wala ang pamilya mo, kung magdurusa ka ba o maghihirap.
Sa dinami-dami ng taon na pinagsamahan ng buong pamilya ay mahirap pakawalan nang isang iglap lamang. Lahat ng karakter sa "Taklub" ay sumisimbolo sa katapangan at kakayahan ng isang pilipino na magsimula ng panibagong buhay kahit na sa isip at puso nila ay wala na ang iba nilang pamilya kagaya na lamang nila Bebeth, Renato, Larry, at Erwin. Mahirap subukin ang isang bagay na alam mong masama at hindi mo kaya.
Mahirap ang buhay ng mga tao sa tacloban dahil hindi nila alam kung paano hihingi ng tulong na maibigay agad ng gobyerno. Sa pagpawi ng ulan ay siyang pagpawi din ng pag-asa ng mga taong nasalanta ng bagyo, sa pagpawi rin ng alaala ng isang pamilya at minamahal sa buhay.
Sa pagbabago ng buhay ay ang pagbabago rin ng pananaw at iniisip ng taong may pag-asa at kayang ihatid ang sarili sa suliranin.
Ang pelikulang Taklub ay nagpapahiwatig na hindi lahat ng bagay at tao sa mundo ay permanente. Hindi mo aasahang nawawala ito nang biglaan at mangyayari ito ng biglaan: Sumasalmin sa pagmamahalan at pagiging matatag ng isang tao sa loob ng suliraning tinatahak nito sa buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento